Babaeng dayo pinagbabaril, patay

Sa ulat ng Taguig City Police, dakong alas-10:15 ng gabi bago maganap ang krimen sa Ulingan St., C6, Purok 3 Road, Barangay New Lower Bicutan ay nakatayo ang biktima sa harap ng isang bahay na tila may hinihintay nang dumating ang dalawang lalaki at basta na lamang pinagbabaril ang babae saka kaswal na umalis sa lugar.
File

MANILA, Philippines — Isang babae na taga-Makati City na dumayo sa isang barangay sa Taguig City ang pinagbabaril at napatay ng dalawang lalaki, kamakalawa ng gabi. 

Ang nasawi ay kinilalang si Emilyn Prudente, 34, jobless at nakatira sa no. 147 R 17TH ­Avenue Street, Brgy. East Rembo, Makati City.

Sa ulat ng Taguig City Police, dakong alas-10:15 ng gabi bago maganap ang krimen sa Ulingan St., C6, Purok 3 Road, Barangay New Lower Bicutan ay nakatayo ang biktima sa harap ng isang bahay na tila may hinihintay nang dumating ang dalawang lalaki at basta na lamang pinagbabaril ang babae saka kaswal na umalis sa lugar.

Blangko pa ang pulisya sa motibo ng pamamaslang dahil sa walang nais magsalita sa mga residente sa pagkakakilanlan sa suspek.

Show comments