Clearing operations sa Metro Manila walang sasantuhin
MANILA, Philippines — Upang mapaluwag ang daloy ng trapiko partikular na sa Metro Manila ay walang anumang magiging konsiderasyon sa pulitika at ipapatupad sa lahat ang clearing operations sa lahat ng mga Local Government Units (LGUs) at maging sa mga pribadong nilalang.
Ito ang inihayag kahapon ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na pinamunuan ang demolition ng barangay hall at police traffic station sa Quezon City kasama sina National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Police Major Gen. Guillermo Eleazar, Quezon City Police District (QCPD) Director Police Brig. Gen. Joselito Esquivel, Quezon City Mayor Joy Belmonte at iba pang opisyal.
Binigyang diin ni Año na itutuloy ang clearing operation hanggang mapagtagumpayan ang mithiin na maging maluwag ang mga pangunahing daanan hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa buong bansa.
Si Año kasama si Mayor Belmonte, Eleazar at Esquivel ang namuno sa demolition ng Brgy. hall ng Damayang Lagi at Traffic Sector 1 ng District Traffic Enforcement Unit Station ng QCPD sa lungsod.
- Latest