Murang Kuryente Act pirmado na ni Duterte

Ayon kay Sen. Win Gatchalian aabot sa P172 ang matitipid ng isang household na may konsumong 200kwh kada buwan.
File

MANILA, Philippines — Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Murang Kuryente Act para mapababa ang singil sa kuryente sa mga Pinoy.

Ang nasabing batas ay nag-allocate ng government share sa Malampaya natural gas project sa Palawan upang ipambayad sa utang ng National Power Corporation (Napocor).

Pinirmahan ng Pangulo ang Republic Act 11371 nitong nagdaang August 8.

Sa ilalim nito, P308-bilyon mula sa net share ng gobyerno sa Malampaya funds ang nakalaan para sa stranded contract costs at stranded debts ng NPC na ipinapasa sa mga electric consumers.

Ayon kay Sen. Win Gatchalian aabot sa P172 ang matitipid ng isang household na may konsumong 200kwh kada buwan.

Show comments