3 mag-uutol, mister minasaker sa inuman

Sa ulat na nakarating­ kay Police Regional Of­fice V Director Police Brig. Gen. Arnel Escobal, dakong alas-8:20 ng gabi ay masayang nag-iinuman ang mga biktima sa nakasarado nilang “Kambingan IIo­kano Bar and Grill” na ma­tatagpuan sa Zone-1, Sitio Pecuaria, Brgy. Fabrica nang dumating sa lugar ang dalawang salarin at sinipa ang pinto.
File

MANILA, Philippines — Tatlong magkaka­patid at mister ng isa rito ang nasawi nang sila ay ratratin habang masayang nag-iinuman sa loob ng isang bar na kanilang pag-aari, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Fabrica,Bula, Camarines Sur.

Ang mga biktima na idineklarang dead-on-arrival sa Bicol Medical Center ay ang magkakapatid na sina Rodelio Pagtolon-an, Nathaniel Pagtolon-an, Chuchi Pag­tolon-an Baladad at mister nitong si Orlando Baladad, 50, lahat ay residente ng nasabing barangay.

Sa ulat na nakarating­ kay Police Regional Of­fice (PRO) V Director Police Brig. Gen. Arnel Escobal, dakong alas-8:20 ng gabi ay masayang nag-iinuman ang mga biktima sa nakasarado nilang “Kambingan IIo­kano Bar and Grill” na ma­tatagpuan sa Zone-1, Sitio Pecuaria, Brgy. Fabrica nang dumating sa lugar ang dalawang salarin at sinipa ang pinto.

Nang mabuksan ay pinagbabaril ang mga biktima na duguang bu­mulagta at tumakas ang dalawang suspek sa kadi­liman.

Nakuha ng mga ru­mespondeng pulis ang 32 na basyo ng mga bala ng kalibre .45 at kalibre.9 MM na baril.

Away sa negosyo ang isa sa tinitingnang motibo sa pamamaslang.

Show comments