MANILA, Philippines — Hindi umano aalisin ang mga provincial bus terminal sa Quezon City na nasa kahabaan ng Edsa.
Ito ang sinabi ni QC Councilor Winston Castelo makaraang sumalang sa isang dialogue sa QC Hall sa pagitan ng mga bus owner sa lungsod.
Sa pulong ay nalaman ni Castelo na may 3% lamang ng mga provincial bus ang napasok sa Quezon City taliwas sa ulat na ang mga pumapasok na bus mula probinsiya ang ugat ng traffic sa lungsod.
“Three percent lang ang provincial bus na pumapasok sa QC,so napakaliit nila, kung titingnan natin, hindi sila rason ng traffic, there could be someone else.Kaya nga magsasagawa muna kami sa council ng malalimang imbestigasyon bago aksiyonan ang usaping ito”, wika ni Castelo.
Sa plano ng pamahalaan, ang mga provincial bus na magmumula sa norte ay ibaba ang mga pasahero sa Valenzuela terminal at saka sasakay muli ng pampasaherong sasakyan papunta sa kanyang destinasyon, samantalang ang mga galing South ay ibaba ng provincial bus ang kanilang pasahero sa Parañaque Integrated Terminal at saka sasakay ulit ng pampasaherong sasakyan papasok ng Metro Manila.
Para bawas traffic sa QC, ay bubuksan ang ilang mga kalsada sa lungsod na maaaring maging dagdag na ruta, gayundin ang mga subdibisyon, aalisin ang mga colorum vehicles para mabawasan ang mga gumagamit ng kalsada sa mga major routes.