^

Police Metro

Parak, kagawad tiklo sa P3.4 milyong shabu

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pang-masa
Parak, kagawad tiklo sa P3.4 milyong shabu
Sa kalaboso ang bagsak ng pulis na si Police Senior Master Sergeant Ricky Usman Sabturani, naka-assign sa Basilan Police Provincial Office at Kagawad Omar Sadon ng Barangay Bayanga Norte sa bayan ng Matanog, Maguindanao.
File

MANILA, Philippines — Arestado ang isang pulis, kagawad ng barangay, at tatlo pang iba matapos masakote sa isinagawang drug bust operation ng mga otoridad at makumpiskahan ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng P3.4-milyon sa national highway sa San Jose District, Pagadian City, Biyernes ng umaga.

Sa kalaboso ang bagsak ng pulis na si Police Senior Master Sergeant Ricky Usman Sabturani, naka-assign sa Basilan Police Provincial Office at Kagawad Omar Sadon ng Barangay Bayanga Norte sa bayan ng Matanog, Maguindanao.

Gayundin ang tatlong kasama ng dalawa na sina Juma Anas, Daniel Kusain at Jam Macaraya.

Ayon kay Cesario Judilla Jr., hepe ng Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Zamboanga del Sur, madaling araw nitong Biyernes nang maharang ng mga operatiba ang sinasakyang Hi-Ace van (DAK 1806) ng mga suspek sa kahabaan ng national highway sa naturang lugar.

Nasamsam mula sa mga suspek ang 18 malalaking pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3.4-milyon at ilang marked money.

Ayon pa kay Judilla, itinanggi pa ni Sadon na sangkot siya at iginiit na  kinuha lamang siya para magmaneho ng van mula Maguindanao at sunduin ang isang tao sa Pagadian Bus Terminal. Itinanggi rin ni Sabturani na may kinalaman siya sa illegal drug trade.

Kasong paglabag sa illegal na droga at kasong administratibo ang kakaharapin ng pulis at ng barangay kagawad.

DRUG BUST OPERATION

SHABU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with