^

Police Metro

3 miyembro ng drug syndicate timbog sa P6.8-M shabu

Ludy Bermudo - Pang-masa
3 miyembro ng drug syndicate timbog sa P6.8-M shabu
Iprinisinta ni NCRPO Chief Director P/Major Ge­neral Guillermo Eleazar ang mga narekober na shabu sa tatlong drug suspek na naaresto sa isang buy bust operation kahapon ng madaling araw sa Sta.Ana, Maynila.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Tatlong miyembro ng drug syndicate na umano ay supplier ng shabu sa Metro Manila at lalawi­gan Cavite ang naaresto ng mga otoridad at nasamsam ang nasa P6.8 milyong halaga ng shabu sa isang drug buy operation kaha­pon ng madaling araw sa Sta. Ana, Maynila.

Ang tatlong suspek na sinampahan na ng kaso sa piskalya ay nakilalang­ sina Mark Anthony Alcantara, alyas ‘Maki,’; Rudy Kidlat at Rona Valenzuela.

Sa ulat, dakong ala-1:10 ng madaling araw nang isagawa ng pinagsanib na tauhan ng Manila Police District-Station 6, Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), at Philippine Drug Enforce­ment Agency (PD­EA)- National Capital Region (NCR), ang drug buy-bust operation sa Osmeña Highway, Sta. Ana na iki­­­naaresto ng tatlong suspek. 

Kabilang din sa nare­kober ­ang 5 sachet ng shabu na nasa kalahating kilo ang kabuuan na nabili ng poseur-buyer ng P500-libo ay nakumpiska rin ang 5 pang sachet na may tig-100 gramo .

Nabawi rin sa mga suspek ang 10 bundle ng P1,000 bills na boodle money na katumbas ng P1 milyon at ginamit bilang buy-bust money, at isang pulang Suzuki car na gi­namit ng mga suspek sa transaksiyon.

Nabatid na isang buwan umanong isinailalim sa surveillance ang grupo bago nagawang makabili ng shabu sa mga suspek na sakay ng kotse nang maki­pagkita sa nasabing lugar.

Pinaniniwalaang na­ka­­kapasok sa bansa ang nasabing shabu mula Tsina dahil sa pinaglag­yang tea bags na may Chinese cha­racter.

DRUG SYNDICATE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with