MANILA, Philippines — Handa umanong tumulong ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa grupong Hukbong Laban sa Katiwalian (HLK) sa isyu ng narco politicians sa Taguig City.
Ayon kay VACC Spokesperson Boy Evangelista kung mayroong mga ebidensya ang reklamo ng HLK ay kanilang pag-aaralan ng kanilang legal team sa pamumuno ni Atty. Ferdinand Topacio para mapalakas ang kaso.Una na ring sinabi ng DILG na sisilipin ang narcopolitics sa lungsod matapos tukuyin ng mga naaarestong suspek sa illegal drug trade sa lungsod.
Magugunita na naaresto ng PDEA kamakailan sa drug bust sina Arjuna Cruz, 39; Andrew Victor Arcega, 37; Mark Lester Magbalana at magkakapatid na sina Jerwin Mendiola, 39; Jorge Mendiola, 41; at Epitacio Mendiola Jr., 48; pawang residente ng Natividad St., Palingon-Tipas, na kilalang balwarte ng tumatakbong mayor na si Arnel Mendiola Cerafica at kapatid na si Brgy. Captain Allan Mendiola Cerafica na tumatakbong kongresista.
Pinabulaanan naman ng magkapatid na Cerafica na kaanak nila ang tatlong magkapatid na Mendiola.