Apo ng Catanduanes solon tangkang dukutin
MANILA, Philippines — Tinangka umanong dukutin ng mga armadong kalalakihan ang apo ni Catanduanes Cong. Cesar Sarmiento nang pasukin ang kanilang bahay ng mga armadong kalalakihan noong Sabado ng gabi.
Sa ulat ni Catanduanes Police Provincial Director, Col. Paul Abay na isinumite sa Camp Crame, pinasok ng mga armadong kalalakihan ang bahay ni Cong.Sarmiento na tumatakbong gobernador ng lalawigan at dito ay pinosasan sina Rey Vargas, 71, naka-duty na guwardiya at ang caretaker na si John Tabios, 31, gayundin ang tricycle driver na si Antonio Barba, 60 na nataong naroong nakatambay noong gabing sumalakay ang mga salarin.
Mabilis na nilisan ng mga suspek ang bahay lulan ng maroon SUV patungo sa direksiyon ng Virac matapos na hindi makita ang pakay na apo para umano kidnapin.
Hinala ni Cong.Sarmiento na hinaharas siya ng kanyang mga kalaban upang mapaurong ang kanyang kandidatura bilang gobernador ng lalawigan.
- Latest