Wow Pilipinas partylist pasok sa top 10

MANILA, Philippines — Inilabas kahapon ng RP-Mission and Development Foundation Inc.,-NCR ang isinagawa nilang partylist group survey at dito ay pasok sa top ten ang Wow Pilipinas.

Ang Wow Pilipinas ay isang tourism sector party-list, na ang adbokasiya ay isulong ang isang sustainable quality at modernong tourism development at kinakatawan ni 1st nominee Patricia Keng.

Sa non-commissioned survey na may 8,000 res­pondents, at isinagawa mula Abril 22 hanggang 27, 2019, lumilitaw na 4.5% ng mga botante, ang nagsabing boboto sila sa nasabing grupo, kumpara sa 134 grupo na kalaban nila sa eleksiyon.

Ang naturang ratings ng Wow Pilipinas ay katumbas ng 218,396 boto sa National Capital Region pa lamang.

Ayon kay Dr. Paul Martinez, ng RP-Mission and Development Foundation Inc., na nagawa ng Wow Pilipinas na i-translate ang kanilang popularidad sa aktuwal na boto.

Show comments