P60 milyong smuggled goods mula Hongkong, nasabat ng customs
MANILA, Philippines — Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang nasa P60 milyon halaga ng mga smuggled na asukal at paputok sa pantalan ng Subic.
Batay sa ulat, nakatanggap ng impormasyon si BOC District Collector Maritess Martin hindi idineklara ang dumating na 35X40 containers mula Hong Kong noong Marso 31 at April 7 kaya’t isinailalim sa pagsusuri.
Nabatid na ang 34 containers ay nakapangalan sa JRFP International Trading at naglalaman umano ng floor mats at plastic floor coverings, subalit nang busisiin ay nadiskubreng 21,760 bags ng Thailand refined sugar at ilang kahon ng firecrackers ng laman ng container.
Iniutos na ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang pagbawi sa accreditation ng importer at broker at naglabas din ng warrant of seizure and detention para sa shipment.
- Latest