Sekyu namatayan ng anak, nagbaril

Ang biktima na na­tagpuang patay ay kini­la­lang si John Kennedy­ Claudio, ng Sta. Ana, May­nila.
File

MANILA, Philippines — Nagbaril sa banyo ang isang 24-anyos na sekyu ng isang bangko naganap kahapon ng umaga­ sa Malate, Maynila.

Ang biktima na na­tagpuang patay ay kini­la­lang si John Kennedy­ Claudio, ng Sta. Ana, May­nila.

Bago ang insidente, dakong alas-8:59 ng umaga­ ay dumating ang biktima dakong alas-7:30 ng umaga na niyaya ng kasamang sekyu na si Patty John Subron ang una na magkape habang naghihintay ng oras ng pagbubukas ng bangko ng alas-9:00.

Nagpunta ang biktima­ sa banyo para mag-ayos ng uniporme nang makarinig ng putok si Subron kaya pinuntahan niya ito at kinakatok, subalit hindi sumasagot ang una.

Isang empleyado ng bangko na si Mary Rose Payawal at kumuha ng susi ng banyo at nang mabuksan ay tumambad ang biktimang duguan ang ulo at nadadaganan ang kaniyang service firearm.

Ayon sa ina ng biktima na nagsabi umano minsan ang anak na gusto na niyang mamatay dahil wala na ang kaniyang anak na binawian ng buhay noong Setyembre 2018 sa sakit na pulmonya.

Show comments