Campaign manager ng tumatakbong mayor, itinumba

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang lalaki na umano ay campaign manager ng isang kandidato matapos na pagbabarilin ng isang lalaki habang sakay ng kanyang motorsiklo, kamakalawa ng hapon sa Purok 5, Barangay Nuangan, Kidapawan City, North Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Gilbert Lamac-Lamac, nasa hustong gulang at nakatira sa Barangay Mano­ngol ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-3:30 ng hapon ay sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo at pagsapit sa overflow ng nasabing barangay ay sumulpot ang suspek at ito ay pinagbabaril.

Ang biktima ay campaign manager at matalik na kaibigan ni Vice Ma­yor Jun Piñol na tumatakbo sa pagka-alkalde sa siyudad.

Tumakas ang suspek na nakamotorsiklo patungo sa direksyon ng Barangay Indangan.

Show comments