^

Police Metro

Mayor nasamsaman ng mga armas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iba’t ibang armas ang nasamsam ng mga otoridad sa bahay ni Camotes Island, Francisco Mayor Aly Arquillano nang ito’y  salakayin ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Branch (PIB) sa bisa ng search warrant na inisyu ng Barili Regio-nal Trial Court-Branch 60.

Base sa report ng Cebu Provincial Police Office (PPO), bandang alas-6:00 ng umaga nang isagawa ang raid sa bahay ng alkalde sa nasa­bing isla kaugnay ng pag­iingat ng mga armas at bala na walang lisensya.

Nakumpiska ang  maga­zine para sa cal. 45 pistol, isang bala ng 9 MM cal. Pistol, isang cal 22 rifle, dalawang cellular phone, isang magazine ng cal. 45 pistol, isang cal 45 pistol  na may limang bala, isang AR 15 rifle  na may 12 bala at isang fragmentation grenade.

Pinagharap ng kasong kriminal si Mayor Arquillano habang patuloy ang pinaigting na kampanya laban sa loose firearms upang tiyakin na magiging mapayapa ang darating na halalan.

vuukle comment

ALY ARQUILLANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with