MANILA, Philippines — Pagkakulong ng 8 hanggang 30 taon ang inilabas na hatol ng Sandiganbayan Seventh Division laban sa akusado sa pagkasunog ng Manor Hotel sa Quezon City noong 2001 na ikinasawi 74 katao.
Sa 121 pahinang desisyon ng korte, hinatulang mabilanggo ng 8-30 taon sina Alfredo Macapugay, City Engineer/City Building official ng maganap ang sunog at Romeo Montallana, acting chief ng Electrical Division o tig-6 hanggang 10 taong pagkakakulong sa bawat isa sa tatlong kaso ng graft.
Guilty naman sa dalawang kaso at hinatulang makulong ng 12-20 taong sina William Genato, Rebecca Genato, Marion Fernandez, at Dionisio Arengino, mga incorporator ng Manor Hotel Inc., Candelaria Aranador, hotel manager, at Romualdo Santos, empleyado ng City Engineer’s Office. Habang tig-isang kaso naman guilty sina Gerardo Villasenor at Rodel Mesa, ng Electrical Division.
Pinagbawalan din na pumasok sa gobyerno at pagkakakumpiska ng kanilang retirement benefits bilang dagdag na parusa sina Macapugay, Montallana, Santos, Mesa, at Villasenor.
Ipinag-utos naman ng anti-graft court ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban sa nagtagong si Antonio Beltran.
Sa inihaing reklamo ng prosekusyon nagsabawatan umano ang mga akusado para mabigyan ng permit ang Manor Hotel kahit hindi ito sumunod sa National building code at Fire Code of the Philippines.