Poe, 5 pang senador, nagsanib puwersa

Inilunsad kamakalawa ni Poe ang kanyang kampanya sa isang political rally sa Tondo, Maynila upang itampok ang kanyang mga nagawa at pagsusog pa na makarating hanggang sa malalayong lugar ang kanyang reporma at lehislasyon para sa mahihirap.
File

MANILA, Philippines — Bagama’t nagmula sa iba’t ibang partidong politikal ay nagsanib puwersa sina Senators Grace Poe; Cynthia Villar ng Nacionalista Party, Maria Lourdes “Nancy” Binay ng United Nationalist Alliance, Joseph Victor “JV” Ejercito ng Nationalist People’s Coalition, Juan Edgardo “Sonny” Angara ng Laban ng Demokratikong Pilipino at Aquilino “Koko” Pimentel III ng ruling PDP-Laban.

Inilunsad kamakalawa ni Poe ang kanyang kampanya sa isang political rally sa Tondo, Maynila upang itampok ang kanyang mga nagawa at pagsusog pa na makarating hanggang sa malalayong lugar ang kanyang reporma at lehislasyon para sa mahihirap.

Dinumog ng mga tagasuporta ang Zaragoza St. sa Tondo upang pakinggan ang plataporma ng mga senador sa sandaling muli silang mabalik sa tungkulin.

Tinukoy ni Poe, na isang independiente, ang pagtitipon na isang pagpapakita ng lakas, pagkakaisa at estra­tehikong alyansa ng mga nanunungkulang senador.

Nagmula sa magkakaibang partidong politikal, sinalamin ng kanilang pagkakabuklod ang mahigpit na pagkakaugnay ng mga pinakapopular na senador base na rin sa mga huling pre-election surveys.

Show comments