5 lungsod sa Metro Manila nasa elections ‘hotspots’ din
MANILA, Philippines — May 5 lungsod sa Metro Manila ang tinukoy ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na kabilang sa election hotspots o may mainit na tunggalian sa pulitika para sa gaganaping midterm elections sa Mayo 14 ng taong ito.
Ang limang lungsod sa MM na mahigpit natututukan ay ang Maynila, Mandaluyong, Caloocan, Pasay at Malabon na natukoy base sa mga insidente ng karahasan sa matinding labanan sa pulitika noong mga nagdaang halalan.
Binigyang diin pa ng PNP na mananatili ang maigting na pagpapatupad ng PNP sa resolusyon ng Comelec hinggil sa gun ban at maging sa mga security detail ng mga kandidato basta aprubado ito ng Comelec.
Sa kabila naman ng may napatay na kandidato sa Quezon City na si Brgy. Silangan chairwoman Crisell Beltran na tumatakbong kongresista ay ipinaliwanag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Guillermo Eleazar ay hindi pa ito itinuturing na election hotspots.
- Latest