Capiz governor, sinampahan ng disqualification sa Comelec

MANILA, Philippines — Nagsampa ng disqualifiaction case sa Comelec ang 79-anyos na si Essex Quintia.civic leader laban kay Capiz Governor Antonio Del Rosario dahil sa umano’y maanomalyang pagpasok sa isang security  contract sa Perlite Agency na pagmamay-ari ng kanyang kapatid na si Carmen Del Rosario-Andrade noong Hulyo 2017 upang masuplayan ng security services ang Kapitolyo gayundin ang Governor’s Palace.

Hindi anya, dapat pinalalampas ng mga ordinar­yong mamamayan na tulad niya ang pang-aabuso sa kapangyarihan ng ilang opisyales de gobyerno.

Agad nilinaw ni Quintia na walang pulitiko na nasa likod ng kanyang pagsasampa ng diskuwalipikasyon.

Show comments