Environmental group nagbabala vs nakakalasong lucky charms
MANILA, Philippines — Kasabay ng pagdiriwang ng Chinese New Year, nagbabala ang environmental group na EcoWaste Coalition ukol sa pagbili ng lucky charm o pampasuwerte na may lamang nakalalasong mga kemikal.
Ayon kay Thony Dizon, chemical safety campaigner ng EcoWaste Coalition, lumalabas sa pagsusuri na mataas ang nilalamang cadmium at lead ng 15 sa 20 lucky charms na kanilang binili sa Binondo at Quiapo sa Maynila.
Kabilang umano sa mga nabiling “lucky charm” na may mataas na antas ng lead at cadmium ay red fabric bracelet, stainless steel necklace na may pig pendant, at stainless steel necklace na may money pouch pendant.
Ani Dizon, na may naidudulot umanong panganib sa kalusugan ang lead at cadmium at kung hindi naman umano maiiwasan ang pagbili ng mga lucky charm, mainam umanong piliin ang mga lucky charm na may plastic laminate.
- Latest