Kandidato na pabor sa pagbaba ng age of criminal liability iboto- Sotto

Mahalaga anya, ang mga pabor sa pagbaba ng age of criminal li­ability ang manalo sa 2019 elections kapag hindi naaprubahan ng Kongreso ngayon ang panukala.
Geremy Pintolo, File

MANILA, Philippines — Hiniling kahapon ni Senate President Vicente Sotto III ang mga botante na iboto sa 2019 elections ang pabor sa pagbaba ng age of criminal liability sa 12-anyos mula sa 15-anyos.

Mahalaga anya, ang mga pabor sa pagbaba ng age of criminal li­ability ang manalo sa 2019 elections kapag hindi naaprubahan ng Kongreso ngayon ang panukala.

“Yung mga kababayan natin na 85 to 90 per­cent na pabor doon sa gusto nating gawin... ang pinakamaganda sa mga kababayan natin, iboto ninyong senador yung mga pabor dahil tatamaan

 na ng eleksyon e,” pali­wanag pa ni Sotto.

Aprubado na sa 2nd reading sa Kamara ang pagbaba ng age of crimi­nal liability sa 12-anyos pero sa Senado ay sisimu­lan pa lamang ang de­bate nito kaya baka hindi agad maaprubahan bago magtapos ang sesyon ng 17th Congress kaya dapat muling ihain ito sa susu­nod na Kongreso.

Show comments