Fire volunteer, niratrat

MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang isang 38-anyos na fire vo­lunteer nang pagbabarilin habang sakay ng kanyang motorsiklo ng dalawang ‘di pa natutukoy na suspek na sakay ng isang kotse, sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon.

 

Kinilala ang biktimang si Dennis Tolentino, re­sidente ng No. 139 San Pedro St., Balut, Tondo, Maynila.

Inaalam pa ang motibo at kung sino ang dalawang salarin na nakasuot ng bull cap at face mask habang lulan ng Toyota Wigo na kulay pula at walang plaka.

Sa ulat kay Chief Insp. Rommel Anicete, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, alas 4:40 ng hapon nang maganap ang insidente sa tapat ng isang bahay sa 2341 Pinoy St., Balut, Tondo.

Dinikitan umano ng kotseng pula ang nakamotorsiklong si Tolentino at walang habas na pinaputukan ng baril bago humarurot sa direksiyon ng Younge St.

Show comments