MANILA, Philippines — Isang dating alkalde ng Bukidnon ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa kilalang gunmen habang ito ay bumibili sa isang tindahan sa Masterson Avenue, Barangay Carmen, Cagayan de Oro City, kamakalawa ng umaga.
Ang nasawi ay kinilalang si dating Kadilingan, Bukidnon Mayor Jolito Jakosalim Talaid.
Sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga ay sakay ang biktima ng kanyang sasakyan nang ito ay sundan ng mga suspek na sakay ng motorsiklo at habang bumibili ay pinagbabaril ito at napatay.