Usapin ng federalismo ipaliwanag ng mabuti sa tao - Partido Federal

MANILA, Philippines — Kailangan ang matinding pagpapaliwanag sa mamamayan tungkol sa isinusulong na pagbabago ng sistema ng pamahalaan mula demokrasya patungong federal system of government.

 

Ito ang inihayag ni dating LTFRB Chairman na ngayoy Secretary Ge­neral ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) Tom Lantion, sa ginawa niyang pag iikot sa ibat ibang rehiyon sa bansa.

Naging maayos  ang pagtanggap ng mga tao sa pederalismo saanman dako ng bansa pero dapat pang maipaliwanag ito ng husto sa mamamayan.

“Hanggang sa Min­danao maayos naman ang kanilang pagtanggap sa usapin ng pederalismo, yun nga lang sa ibang lugar, kailangan pa tala­gang maipaliwanag ito ng husto para malaman ng mga tao ang advantage nito para sa kapakanan ng mamamayan” pahayag ni Lantion.

Sa pagkakapasa ng charter change sa Kongreso, umaasa siyang aaprubahan din ito ng Senado sa lalung mada­ling panahon.

Ang PFP ay naka concentrate sa pagsusulong sa pagkakaroon ng ma­daming disenteng trabaho para sa mamamayan, katulong sa programa laban sa ilegal drugs at anti-poverty campaign.

Show comments