Presyo ng petrolyo inirolbak

MANILA, Philippines — Sa ika-9 na pagkakataon ay ipapatupad ngayong araw ng mga kumpanya ng langis ang pag-rollback ng kanilang produktong petrolyo.

Ang Pilipinas Shell, PTT Philippines, CPI (Caltex), Eastern Petroleum, Jetti, at Petro Gazza ay nagtapyas ng P0.10 sa kada litro ng gasolina, P0.25 kada litro ng diesel at P0.25 kada litro ng kerosene epektibo ng alas-6:00 ng umaga.

Nauna nang nagpatupad ng oil price rollback ang kompanyang Phoenix Petroleum Philippines at Seaoil sa kahalintulad na halaga.

Ang bawas presyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Show comments