Pamilya, 3 todas sa bangga

Galing Christmas patay...

MANILA, Philippines — Nauwi sa trahedya ang pag-uwi ng tatlong miyembro ng pamilya sa kanilang tahanan mula sa dinaluhang Christmas party matapos na mabangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang water tanker truck kamakalawa ng gabi sa Liloan, Cebu.

Kasalukuyan pang ina­alam ang pagkakakilanlan ng mga biktima matapos na walang makuhang identification card ang mga otoridad sa bangkay ng mga ito.

Ang ginang ay namatay noon din nang  magulungan ng water tanker truck habang ang kanyang mister at anak na tinatayang 9 taong gulang ay idineklarang dead-on- arrival sa Vicente Sotto Memorial Hospital.

Ang mga biktima ay nagtamo  ng matitinding sugat sa ulo at pagkabali ng buto bunga ng insidente.

Sa sketchy report ng Office of Civil Defense (OCD) Region 7, bago nangyari ang insidente dakong alas-9:30 ng gabi sa kahabaan ng S. Osmeña, Liloan, Cebu ay minamaneho ng mister na isang security guard ang motorsiklo lulan ang kanyang mag-ina nang mabangga sila ng kasalubong na water tanker truck.

Lumalabas na dumalo ang mga  biktima sa Christmas party ng mister na isang security guard.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga otoridad at kasalukuyan na ring nakapiit sa detention cell ng pulisya ang driver ng water tanker.

Show comments