Tularan si Maria, hikayat ni Digong
MANILA, Philippines — Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat na tularan ang mga katangian ni Birheng Maria.
Ito ay ayon sa pahayag na ipinalabas kahapon ng Pangulo sa kabila ng palaging pagbatikos nito sa mga obispo at mga pari ng Simbahang Katolika.
Ipinagdiwang kahapon ang kapistahan ng “Immaculate Conception of the Blessed Virgin Mary” na nauna nang idineklarang special non-working holiday ng Pangulo noong nakaraang taon.
Sa pahayag, sinabi ng Pangulo na dapat tularan ang pagiging mapagpakumbaba at mapagmalasakit ni Maria at maging halimbawa ang katatagan ng kanyang pananampalataya.
“Let us emulate Mary’s qualities as a humble and caring person and remain guided by her faithfulness as we strengthen our devotion and nurture our lives with unconditional love and good deeds that will benefit the Filipino people,” pahayag ni Duterte.
Ayon pa sa Pangulo, taun-taon aniya ay nagkakaisa ang puso at diwa ng mga mananampalataya upang gunitain ang buhay ni Virgin Mary na dapat hangaan ang pagiging simple, kabaitan at kababaang loob.
- Latest