Hepe, 20 tauhan sinibak sa puwesto

MANILA, Philippines — Tinanggal sa puwesto ang hepe ng pulisya at 20 nitong tauhan na nahuling natutulog habang naka-duty sa isinagawang “surprise inspection” kamakalawa sa Anilao, Iloilo.

 

Kinilala ni PRO 6 Director P/Chief Supt. John Bulalacao ang nasibak na hepe na si Sr. Inspector Menrico Candaliza, hepe ng Anilao Municipal Police Station (MPS) at itinalagang kahalili sa puwesto ay si Chief Inspector Ciriaco Esquiliarga.

 Si Candaliza ay sinibak alinsunod sa “command responsibility” sanhi nang paglabag sa patakaran at regulasyon ng PNP na natuklasan sa isinagawang “surprise inspection” ng National Police Commission (NAPOLCOM) Regional Office 6 kamakalawa ng umaga.

Kabilang sa mga nadiskubreng paglabag ay walang duty sentinel sa post ng nasabing himpilan bukod pa sa nahuli rin sa aktong natutulog ang mga pulis na naka-duty dito.

Show comments