287 law enforcers na adik, sinibak sa serbisyo
MANILA, Philippines — Nasa kabuuang 287 law enforcer na karamihan ay miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang tinanggal sa serbisyo kaugnay ng pagkagumon o paggamit ng illegal na droga partikular na ang shabu habang nasa 130 pang personnel ang nasibak kaugnay ng pagkakasangkot sa kasong may kinalaman din sa bawal na gamot.
Sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Spokesman Derrick Carreon na sa isinagawang presentasyon sa #RealnumbersPH Year 2 sa Camp Crame, mahigpit nilang tinututukan ang imbestigasyon laban sa mga law enforcers na naliligaw ng landas.
Karamihan sa mga nadismis sa paggamit at mga kasong pagkakasangkot sa illegal na droga ay mga pulis.
Iniulat din ni Carreon na umaabot naman sa P49.23 M ang naibigay na reward sa 56 masusuwerteng tipster na nakapagbigay ng mahahalagang impormasyon na nagresulta sa pagkakalansag ng malalaking sindikato ng droga at mga laboratoryo ng shabu mula Hulyo 2016 hanggang Oktubre 2018 sa ilalim ng PDEAs Operation “Private Eye”.
Samantalang nasa 33 operating units naman ang tumanggap din ng pabuya na aabot sa P17.94-M sa matagumpay na anti-drug operations.
- Latest