2 patay, 2 sugatan sa pagsabog

MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang dalawang katao habang dalawang iba pa ang nasugatan matapos na sumabog ang isang eksplosibo sa loob ng bahay ng mga ito sa liblib na lugar sa Brgy. Bobolosan, Laoang, Northern Samar, kamakalawa ng gabi.

 

Ang mga nasawi ay kinilalang sina alyas Ome at alyas Gaga, pawang mga residente ng San Antonio, Samar.

Isinugod sa pagamutan ang nasugatang sina Junjun Donatao, 32, driver at Nilo Cuanico, magsasaka; mga residente ng Purok 9, Poblacion, Lope de Vega, Northern Samar .

Sa ulat, nangyari ang pagsabog bandang alas-10:00 ng gabi sa bahay ni Natalia Capassa na nirerentahan ng isang Dario Ayes, 55, isang retiradong pulis.

 Narekober sa pinangyarihan ng pagsabog ang isang sako ng detonating cord, hindi pa madeterminang dami ng blasting caps at time fuse.

Show comments