DICT pamumunuan ni Gringo

Ayon kay Honasan, tinanggap niya ang posisyon na ibinigay ni Pangulong Duterte para sa ikauunlad ng Pilipinas at para na rin sa magandang kinabukasan ng mga kabataan.
File

MANILA, Philippines — Nakatakdang pamunuan ni Senator Gringo Honasan para maging bagong kalihim ng Department of Information and Communication Technology (DICT) matapos tanggapin ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Ayon kay Honasan, tinanggap niya ang posisyon na ibinigay ni Pangulong Duterte para sa ikauunlad ng Pilipinas at para na rin sa magandang kinabukasan ng mga kabataan.

Bagaman at napaulat na ang gagawing pagtatalaga ng Pangulo kay Honasan sa DICT, nanatili namang tahimik ang senador tungkol sa isyu. Magtatapos ang termino ni Honasan sa Hunyo 30, 2019.

Sinabi naman ni Senate President Tito Sotto na bagaman mami-miss nila si Honasan ay nakatitiyak naman siyang makakatulong ito sa Executive Department.

Nauna nang sinabi ni Sotto na tiyak na hindi mahihirapan si Honasan sa kanyang kumpirmasyon sa Commission on Appointments.

Show comments