MANILA, Philippines — Matapos na manalasa kahapon sa iba’t ibang bahagi ng Luzon ay inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong gabi ang bagyong Rosita.
Kahapon ng alas-10:00 ng umaga ay namataan si Rosita sa bisinidad ng Bambang, Nueva Vizcaya habang kumikilos pakanluran timog kanluran sa bilis na 25 kilometro bawat oras taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 140 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 230 kilometro bawat oras.
Ngayong Miyerkules, si Rosita ay inaasahang nasa layong 255 kilometro ng kanluran ng Sinait, Ilocos Sur na inaasahang lalabas ng PAR ngayong gabi.-