Bakbakan sa Sulu: 9 patay

Sinabi ni Lt. Col. Gerry Besana, Spokesman ng AFP Western Mindanao Command, dakong alas-5:20 ng umaga nang makasagupa ng tropa ng Joint Task Force (JTF) Sulu ang tinatayang 50 armadong bandido sa ilalim ng pamumuno nina Abu Sayyaf Sub leader Alnijar Ekit at Aldi Alun.
File

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong tauhan ng Philippine Marines at anim na miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa naganap na bakbakan kahapon ng umaga sa Brgy. Timpook, Patikul, Sulu.

 

Sinabi ni  Lt. Col. Gerry Besana, Spokesman ng AFP Western Mindanao Command, dakong alas-5:20 ng umaga nang makasagupa ng tropa ng Joint Task Force (JTF) Sulu ang tinatayang 50 armadong bandido sa ilalim ng pamumuno nina Abu Sayyaf Sub leader Alnijar Ekit at Aldi Alun.

Ang operasyon ng combat team ng 62nd at 61st Infantry Battalion (IB) at 64th Marine Companies ay upang malipol ang nalalabi pang miyembro ng ekstremistang grupo at masagip ang nalalabi pang sampung hostages.

Base sa intelligence report anim ang napatay na bandido  na binitbit ng kanilang mga kasamahan habang marami pa ang sugatang nagsitakas.

Tatlo namang tauhan ng Philippine Marines ang nasawi na pansamantalang hindi muna tinukoy ng opisyal ang pagkakakilanlan dahilan kailangan pang impormahan ang kanilang mga pamilya.

Show comments