MANILA, Philippines — Sa madaling panahon ay mapapalayas na sa bansa ang Australyanang madre na si Sis.Patricia Anne Fox matapos na tanggihan ng Bureau of Immigration ang huling hirit nito na ma-extend ang kanyang missionary visa.
Sa dalawang pahinang kautusan ng BI na pirmado nina BI Commissioner Jaime Morente, Deputy Commissioner J. Tobias Javier, at OIC Deputy Commissioner Marc Red Mariñas noong October 4, sinabing ang mosyon ni Fox ay katulad lamang ng mga unang naisumite na nito.
Matatandaan na ang missionary visa ni Fox ay nagpaso noong September 5 at nag-apply ito ng extension ng kanyang missionary visa na penitisyon ng Superior of the Religieuse De Notre Dame De Sion Inc., subalit tinanggihan noong September 13.
Paliwanag ni Sandoval na si Fox ay maaaring mag-apply para sa downgrading ng kanyang visa kung saan maaring maibalik ang estado nito sa temporary visitor’s visa at pagbibigyan siya ng 59 araw na mag-uumpisa sa petsa ng expiration ng kanyang visa.