Misis dedo sa selosong mister

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang biktimang si Cristina Arig, 19, nang siya ay barilin ng kanyang lover dahil sa selos na naganap kamakalawa ng hapon sa Brgy. Macaboboni, Agno, Pangasinan.

Ang biktima ay binaril ng shotgun sa likod ng lover na si Michael Sison, nasa hustong gulang na agad tumakas.

Sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang krimen bandang alas-4:30 ng hapon ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa dahil pinaghihinalaan ng lalaki na may kinalolokohan ang biktima na lagi umanong nakapostura sa tuwing aalis ng bahay.

Pinabulaanan ang biktima ng suspek na nauwi sa pagtatalo hanggang kinuhaan ng huli ang shotgun at binaril ito na agad niyang ikinasawi.

Show comments