Watawat ng China iwinagayway sa Batasan

MANILA, Philippines — Iwinagayway sa Batasan Complex ang watawat ng China kaugnay ng pagbisita ni Vice-Chairman ng Standing Committee ng National Peoples Congress ng Peoples Republic of Chini Ji Bingxuan at delegasyon.

Nakipagpulong si Bingxuan sa mga lider ng Kamara sa pangunguna ni Speaker Gloria Arroyo kasunod ito ng pagbisita ng huli sa kanilang bansa kamakailan.

Ayon naman sa Inter-Parliamentary Relations and Special Affairs Bureau ng Kamara na walang dapat ipakahulugan sa pagtaas ng bandila ng China sa Batasan Complex dahil pagbibigay pugay lamang umano sa mataas na opisyal ng China na nagtungo sa Kamara kahapon.

Ginagawa rin umano ito sa iba ring opisyal ng ibang bansang bumibisita.

Show comments