MANILA, Philippines — Nakatakdang bumili ng mga military equipment ang Pilipinas sa Israel kaya’t inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na bumili lamang ng kinakailangang mga kagamitan.
Ito ang sinabi ni Pangulong Duterte kay Israeli President Reuven Rivlin sa kanyang pagbisita sa official residence nito kamakalawa at nagpasalamat din sa ginawa nitong pagtulong sa pamamagitan nang pagpapahiram ng mga gamit noong Marawi siege na agad napagwagian at natapos ng maaga ang giyera.
“And there are a lot of opportunities. Israel can help us on this. And of course, to set up investments…business in my country,” sabi pa ni Duterte.
Nagpasalamat naman si Israel President Rivlin sa Pilipinas dahil sa pagtulong sa mga Jews sa panahon ng Holocaust.
“I must say that all those people who have found safe haven in your place are very much appreciated by us,” sabi naman ni President Rivlin.
Si Pangulong Duterte ang kauna-unahang Filipino leader na bumisita sa Israel.
Kahapon ay tinapos na rin ng Pangulo ang kanyang 4-day state visit sa Israel at nagtungo naman ito sa Jordan.- -