^

Police Metro

Multa sa Xiamen Airlines lalaki pa

Gemma Garcia - Pang-masa
Multa sa Xiamen Airlines lalaki pa
Ayon naman kina Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento at 1CARE Rep. Roman Uybarreta na maliit ang halagang hinahabol sa kasalukuyan ng gobyerno na kung tutuusin ay halos abutin na ng trilyong piso ang economic loss na idinulot sa bansa ng disgrasya ng eroplano ng Xiamen Airlines kaya hindi sapat ang multang ipapataw na ito.
Ted Aljibe/AFP/File

MANILA, Philippines — Maaaring lumaki pa ang halaga ng sisingiling multa ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa Xiamen Airlines sa ginawa nitong perwisyo nang sumadsad sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ang sinabi ni MIAA General Manager Ed Monreal sa imbestigasyon ng House Committee on Transportation na sa ngayon ay mahigit P33 milyon pa lamang ang nakukwenta nila na maaaring singilin multa sa Xiamen Airlines.

Ayon naman kina Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento at 1CARE Rep. Roman Uybarreta na maliit ang halagang hinahabol sa kasalukuyan ng gobyerno na kung tutuusin ay halos abutin na ng trilyong piso ang economic loss na idinulot sa bansa ng disgrasya ng eroplano ng Xiamen Airlines kaya hindi sapat ang multang ipapataw na ito.

Pero sinabi ni Monreal, handa silang taasan pa ang haha­buling halaga sa Xiamen Airlines kung bibigyan sila ng otorisasyon na ipataw dito pati ang iba pang bahagi ng economic loss.

XIAMEN AIRLINES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with