Liza Maza nagbitiw sa puwesto
MANILA, Philippines — Nagbitiw kahapon sa kanyang puwesto si National Anti-Poverty Commission (NAPC) Secretary Liza Maza.
Ito ang kinumpirma kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque ang pagbibitiw ni Sec. Maza bilang NAPC lead convenor.
“We regret her departure, we wish her goodluck. Wala namang nagpapaalis sa kanya. It’s disappointing to know that someone who shares the trust and confidence of the President resigns. We regret her departure. We wish her the best,” wika pa ni Sec. Roque.
Ipinabatid kahapon ni Sec. Maza ang kanyang isinumiteng irrevocable resignation sa Office of the President bilang NAPC chief at inihayag na ang ilang kadahilanan ng kanyang pagbibitiw ay pagbuhay ng double murder case na laban sa kanya at 3 militanteng dating kongresista na kalaunan ay nabasura, ang pagbabalik sa kapangyarihan ng Marcoses at Speaker GMA at pagkadiskaril ng peace talks sa rebeldeng komunista.
Related video:
- Latest