Lalaki na may kasong rape/slay naaresto matapos ang 20 taon pagtatago
July 31, 2018 | 12:00am
MANILA, Philippines — Isang lalaki na wanted sa kasong panghahalay at pagpatay ang naaresto kamakalawa sa Brgy. Nagpandayan, Guimba, Nueva Ecija matapos ang mahigit 20 taon pagtatago sa batas.
Ang suspek ay kinilalang si Arnold Espinosa, 43, na kinasuhan ng panggagahasa at pagpatay sa isang Sheryl Dimandante sa Brgy. Umiray noong Disyembre 1999.
Ang warrant of arrest ay ipinalabas noong Hunyo 2001 ni Baler RTC Judge Rebecca Mariano.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
- Latest
Latest
Recommended