P1.3-B pinsala ng 3 bagyo

MANILA, Philippines — Nasa P1.3 bilyon ang iniwang pinsala sa pana­nalasa ng magkakasunod na bagyong Henry, Inday, Josie na pinatindi pa ng habagat.

Ito ang inihayag ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Undersecretary Ricardo Jalad na kabilang sa napinsala ng kalamidad ay P1,377,090,104.90-B halaga ng imprastraktura at agrikultura sa Regions I, II, III, CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon), MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan), VI at Cordillera Autonomous Region.

Kabilang dito ay P480,369,000 -M ha­laga ng imprastraktura at P896, 721,105.00-M halaga naman sa agrikultura.

Show comments