MANILA, Philippines — Nakatakdang paimbestigahan ni Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat ang natuklasang pagbili ng National Parks Development Committe (NPDC) ng isang orchid na isang milyon ang halaga.
Ikinagalak ito ng mga miyembro ngNational Parks Development Committe Employee Association (NPDCEA) sa agarang aksiyon ni Puyat na nais malaman kung bakit ganoon kamahal ang nasabing orchid.
Ang aksiyon ni Sec. Puyat ay bunsod ng natuklasang ‘red flag’ ng Commission on Audit (COA) report at nais mabatid kung may iregularidad hinggil sa kinikuwestiyon na P7.5 million pesos na COA report kabilang ang kalahating milyong pisong tailoring services, designers bag, mga bagong sasakyan at body guards ng hepe ng NPDC.
Umaasa ang mga empleyado ng NPDCEA na mabibigyan na kaukulang aksyon ang naturang reklamo upang huwag ng pamarisan pa ng iba pang opisyal ng gobyerno.