Kagawad, arestado sa granada

Ang suspek ay nakilalang si Donato Francisco, nasa hustong gulang, barangay kagawad ng Barangay Bagumbayan, sa Teresa.
File

MANILA, Philippines — Arestado ang isang barangay kagawad dahil sa granada matapos na salakayin ng mga otoridad ang bahay nito sa Teresa, Rizal kahapon ng umaga.

Ang suspek ay nakilalang si Donato Francisco, nasa hustong gulang, barangay kagawad ng Barangay Bagumbayan, sa Teresa.

Batay sa ulat ng Teresa Municipal Police Station (MPS), dakong alas-6:40 ng umaga nang salakayin ng mga otoridad ang ta­hanan ng suspek, sa bisa ng search warrant na inisyu ng hukuman, at kaagad itong dinakip matapos na makuhanan ng isang hand grenade.

Sinasabing isang concerned citizens sa lugar ang nagsumbong sa pulisya hinggil sa pag-iingat ng granada ng suspek na kanya umanong pinagmamalaki.

Agad naman nag-apply ng search warrant ang pulisya sa korte at sinalakay ang bahay ng suspek na nagresulta ng kanyang pagkaka-aresto.

Nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 9516 o illegal possession of explosives ang naturang suspek.

Show comments