MANILA, Philippines — Kulang umano sa angas si Senate President Aquilino Pimentel at hindi nakuhang ipagtanggol ang Senado bilang institusyon kaya mapapaaga ang pagpalit sa kanya ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III na inaasahang magaganap sa susunod na linggo.
Sinabi ni Sen. JV Ejercito na bagaman at wala siyang masasabi laban kay Pimentel lalo na sa integridad nito pero pakiramdam umano ng kasamahan nila sa mayorya ay sumobra ang kabaitan nito na hindi kumibo nang tirahin ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang Senado.
Aminado si Ejercito na maraming senador ang nasaktan ng atakehin ni Alvarez ang Senado at tinawag itong “mabagal na kapulungan.”
“Mabait si SP Koko.Yon ang consensus ng marami. Sumobra ang bait ni SP Koko…kumbaga dapat siguro mag-impose pa. Hindi lang mag-impose kumbaga lagi… dapat maproteksyunan din ang institution. Siguro marami ang nasaktan sigurohave to be honest with you when the Senate was under attack by the Speaker. Maraming nasaktan doon. Parang ang pakiramdam din siguro ng marami dapat dinepensahan ang Senado as an institution,” sabi ni Ejercito.