Pari inutas pagkatapos magmisa

Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng umaga ay katatapos lang ng biktima na nakatalaga sa Parokya ng katabing bayan ng Lal-lo ng pagmimisa nang dumating ang dalawang suspek sakay ng motorsiklo. Bumaba ang angkas at binoga sa ulo ang biktima.
File

MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang isang paring Katoliko matapos na barilin sa ulo ng hindi pa kilalang suspek matapos ang pagmimisa nito sa isang gym sa Barangay Piña Weste, Gattaran, Cagayan kahapon ng umaga.

Ang nasawi ay kinila­lang si Fr. Mark “Macmac” Ventura.

Tumakas ang gunman at sumakay sa isang motorsiklo na naghihintay sa kanya.

Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng umaga ay katatapos lang ng biktima na nakatalaga sa Parokya ng katabing bayan ng Lal-lo ng pagmimisa nang dumating ang dalawang suspek sakay ng motorsiklo.  Bumaba ang angkas at binoga sa ulo ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo nang pamamaslang.

Show comments