Pulis na magreretiro, itinumba

MANILA, Philippines – Tatlong buwan na lang ang ilalagi sa serbisyo para magretiro ang isang pulis nang ito ay pagbabarilin ng riding in tandem criminal habang nagdya-jogging kamakalawa ng umaga sa Barangay Del Carmen sa Iligan City, Lanao del Norte.

Namatay noon din dahil sa mga tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang si SPO4 Jonas Balbutin, 56.

Ayon kay Senior Ins­pector Felix Rabago, hepe ng Iligan Police Station 1 na hindi na nagdu-duty ang biktima dahil naghihintay na lamang ito ng tatlong buwan bago magretiro.

 

Show comments