Pari tepok sa salpok

Kinilala naman ang may-ari ng nakaparadang behikulo na si Noe ­Catamora at pinag-aaralan kung sasampahan ito ng kasong kriminal.
AFP/File

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 64-anyos na pari matapos na sumalpok habang minamaneho ang motorsiklo sa isang nakaparadang behikulo sa tabi ng national highway sa Guinobatan, Albay kahapon ng umaga.

Ang nasawi sanhi ng matinding sugat sa katawan at ulo ay kinilalang si Father Gerardo Santillan, kura paroko sa bayan ng Polangui, Albay.

Kinilala naman ang may-ari ng nakaparadang behikulo na si Noe ­Catamora at pinag-aaralan kung sasampahan ito ng kasong kriminal.

Sa ulat, dakong alas-5:00 ng umaga ay mimanameho ng biktima ang kanyang motorsiklo at binabaybay ang kahabaan ng Maharlika highway nang hindi nito mapansin ang nakaparadang behikulo ni Catamora sa gilid ng kalsada at sumalpok ito sa likurang bahagi.

Sa lakas nang pagkakabangga ay tumilapon ang pari at pinaniniwalaang unang bumagsak ang ulo na nagtamo ng matinding pinsala.

Show comments