^

Police Metro

Pasaway na pasahero ng MRT, kakasuhan

Mer Layson - Pang-masa
Pasaway na pasahero ng MRT, kakasuhan
Nitong Biyernes, nasa 1,000 pasahero ng MRT ang pinababa matapos magkaroon ng “door fai­lure” ang isang southbound na tren dahil sa pagsandal o sapilitan umanong pagbubukas sa pinto nito.
Philstar.com/File

Mga sasandal, pilit magbubukas ng pinto...

MANILA, Philippines — Inatasan ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang pamunuan ng MRT na kasuhan ang mga pasaherong sasandal o pilit na magbubukas sa pintuan ng tren.

Nitong Biyernes, nasa 1,000 pasahero ng MRT ang pinababa matapos magkaroon ng “door fai­lure” ang isang southbound na tren dahil sa pagsandal o sapilitan umanong pagbubukas sa pinto nito.

Ito ang unang unloading incident na naitala simula Abril 2 o sa loob ng 11 araw.

“There was someone who put pressure on the door. Pinilit na pumasok habang sarado na. It’s not about parts, it’s about this passenger. My instruction, identify this person,” sabi ni Tugade sa isang business forum sa Pampanga.

“From now on, lahat ng mahuhuling sumasandal o nagpipilit magbukas ng pinto ng tren kahit sarado na, kasuhan! I told MRT to file cases and collect da­mages from them. Maraming naaabala dahil sa kawalan ng disiplina.”

Nitong nakalipas na mga araw, ipinagmalaki ng pamunuan ng MRT na umak­yat na sa 15 hanngang 17 ang bilang ng mga tumatakbong tren matapos ang pagdating ng bagong spare parts at general maintenance noong Semana Santa.

vuukle comment

ARTHUR TUGADE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with