Duterte sa ICC probers: I will arrest you!

Ito ang naging pagbabanta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng International Criminal Court (ICC) na magtutungo sa Pilipinas upang mag-imbestiga hinggil sa inilunsad na anti-drug war ng gobyerno na kanyang sinabi sa panayam ng media pagkagaling niya sa China at Hong Kong trip.
File

MANILA, Philippines — “You can’t exer­cise any proceedings here without basis. That is illegal and I will arrest you”.

Ito ang naging pagbabanta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng International Criminal Court (ICC) na magtutungo sa Pilipinas upang mag-imbestiga hinggil sa inilunsad na anti-drug war ng gobyerno na kanyang sinabi sa panayam ng media pagkagaling niya sa China at Hong Kong trip.

Iginiit pa ni Duterte, walang otoridad ang ICC na magsagawa ng im­bestigasyon laban sa kanya at hindi siya puwedeng litisin ng mga ito.

Ayon pa sa Pangulo, ang pagiging miyembro ng Pilipinas sa Rome Statute ay kuwestyona­ble dahil walang nangyaring publication ito sa official gazette ng ratipikahan ito ng Senado.

“If there’s no publication, it’s as if there’s no law at all. Ikaw Ms. Fatou (Bensouda), ‘wag kang pumunta dito because I will bar you, not because I am afraid of you, I said because you will never have jurisdiction over my person. Not in a million years,” banta pa ng Pangulo.

Ang tinutukoy ni Pa­ngulong Duterte na Ms. Bensouda ay ang ICC prosecutor.

“At hindi ako matatakot. I said you can never hold me into the international criminal court simply because your position is flawed and can’t be corrected anymore. So stop your nonsense,” dagdag pa ni Duterte.

Magugunita na umatras na sa Rome Statute at ICC ang Pilipinas ng ihayag ito ni Pangulong Duterte kamakailan dahil sa walang tigil na pag-atake sa kanya ng mga UN special rapporteurs.

The ICC has started a preliminary examination on the charges filed by lawyer Jude Sabio over alleged extrajudicial killings in the Philippines. -

Show comments