MANILA, Philippines — Hindi umano kakayanin ng Duterte administration ang pagsugpo sa problema sa illigal na droga sa loob ng anim na taong panunungkulan.
Ito ang pag-amin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang arrival speech sa Davao International Airport kahapon ng madaling araw.
Inamin ng Chief Executive na hindi pa kontrolado ng pamahalaan ang problema sa illegal drug trade at matagal pa ang bakbakan na tiyak na kakaharapin ng sinomang papalit sa kanya sa kapangyarihan sa ayaw at sa gusto nito.
Sa kanyang pagtantsa, ang kasalukuyang problema ng illegal drugs sa bansa sa scale na 1 to 10, ito aniya ay nasa 6 mula sa 8 and a half.
Babala naman ng Chief Executive sa mga durugista, huwag ipakipagsapalaran ang kanilang buhay dahil desidido rin ang militar at mga pulis sa nasabing kampanya ng pamahalaan.