100 bata na nabakunahan ng Dengvaxia namatay

Ito ang sinabi ni PAO Chief Persida Acosta kaugnay ng patuloy na pagbusisi ng mga eksperto ng Public Attorneys’ Office sa mga batang nabigyan ng Dengvaxia vaccine noong nagdaang taon.
File

MANILA, Philippines — Umaabot na umano sa mahigit 100 bata na nabakunahan ng dengvaxia ang namatay sa bansa.

Ito ang sinabi ni PAO Chief Persida Acosta kaugnay ng patuloy na pagbusisi ng mga eksperto ng Public Attorneys’ Office sa mga batang nabigyan ng  Dengvaxia vaccine noong nagdaang taon.

Sa 100 bata, 44 ang naisailalim nila sa autopsy matapos pumayag ang mga magulang ng nasawi na masuri ang labi ng anak kaugnay ng pagkakabakuna rito.

Ayon kay Acosta na kahapon ay isinailalim na rin ang ika-45 batang namatay makaraang magkasakit at nabakunahan ng Dengvaxia.

Ang pang 46 na bata na nasawi mula sa Cebu ay takda ring isailalim sa autopsy ng PAO expert makaraang pumayag ang magulang nito na masuri ang labi ng anak.

Una nang iniulat ng mga eksperto ng PAO na halos magkakatulad ang pattern ng pagkamatay ng mga batang nakabunahan ng Dengvaxia na makaraang magkasakit ay namatay at pare parehong may mga pagdurugo ang internal organs.

Show comments